mam,di ka pasok ng hapon??
yan ang text na natanggap mo. di mo rin alam ang isasagot.
halos buong araw ng linggo, tulog ka. naturalmente, 1am pa
lang, up and about ka na. kaso si istudent by your side, borlogs. naisip mo na
naman uli, para saan ba't gigising ako ng maaga?
marami kang dapat gawin di ba? oo na. marami: maghanap mg
bagong malilipatan, maglinis ng bahay, maglaba, yung papadala mo sa australia, pinapasearch
sa'yo ng nanay mo sa internet. yan na muna, may kabit-kabit pa yang mga gawain.
generals kumbaga, kung specifics yan, wag na, kakatamad. pati ba naman sa
pagpapaluwal ng bigat, outline format pa rin dapat?
maraming puwedeng gawin. pero para saan? di ko alam. balik
lang sa dati pang tanong.
ang buhay ay walang saysay.
bakit ba kasi in-assume ko na life has meaning? wala namang
nagsabi sa akin nun ah! assumerang pretty lang talaga akey. oo na, ako na ang
assumera. ikaw ba naman ang mag-intay ng lagpas 3 hours sa pinagusapang meeting
place at unahan pang gumora sa pupuntahan nyo ng mga iniintay mo. ikaw na ang
di pagpaliwanagan after waiting for 3 hours na iba na pala ang meeting place.
ikaw na ang mag-intay para sa mga akala mo eh they need your help kasi lost
sila tapos ikaw pala yung ligaw, nag-iintay pero di sisiputin. sinabi ba nilang
mag-intay ako? hindi naman di ba? so ang kapal ko lang mag-expect ng apology.
how did i feel after? di na nila nirespeto ang oras ko. hay.
bakit ko ba kasi hinahantad ang vulnerable pinkish cutesy heart ko para
paasahin ng kahit sino gayong di naman ako pinag-iintay? crap lang talaga! di
pa to serious relationship, ganitey hurtful levels na! ang hirap naman mabuhay
for love!
sabi ni shakespeare sa isang sonnet nya, he'd rather take
pride in love and be impoverished by this choice than to not love. in life we
make our choices, but sometimes our choices make us, wika ni denny hall of if i
stay. pinili ko ba na maging ganito? kakapagod na rin kasi.
walang ibang masulingan para takasan ang sarili kundi
pagtulog. sinubukan ko naman di ba? gumawa ng gumawa ng wala lang pero andun pa
rin yung tanong, para saan? yung mga inayos at nilinis mo, magugulo lang din
yan. yung mga pinagbibili mo, maluluma't masisira lang din. para saan pala to?
ano ba tong ginagawa ko eh wala pa lang kahihinatnan? pampalipas oras lang ba
lahat?
tulog uli. ang hirap kayang makipag-argue sa sarili ng
walang dialog. kahit pang monologue, wala rin. no control over anything. no
will at all kaya pahila agad sa come hither ng pagtulog.
i am being blown by the wind from all directions, suspended
in the sky - me and the wind being the only elements against a sunny and cloudy
sky: the unending backdrop. i felt sorry for the wind because i cannot give it
what it wants. there's only one me; i cannot disassemble into pieces to be
borne to whichever direction the wind pleases.
6 am, ikalawang biglang gising after the vision of the
cheery sky. si sisteret, di na borlogs. at wag ka, di ka pa
nakakapag-toothbrush, ang banat agad: tulungan mo ako, di ko maintindihan yung
ibang poems. herkay. duty first self second sabi ni her highness queen
elizabeth. *deep breath. para maaliw ka na rin, at aminin mo, kakaaliw talaga,
bungad sayo ni sisteraka mo na nagising sya ng tunay dahil nalunod sya sa panis
nyang laway!
ayun, late ka na talaga lalo pa't pati summary ng story ni
tchichikov at auguries of innocence ni william blake eh binasa mo, di pa yan
yung mahahaba at wala pa sila sa kalahati nung poems and stories, bukod sa
paliwanag at minor proofreading at ang final touches ng layout edits.
aabot ka pa dapat kahit late. soon you made up your mind.
you need a break. day-off muna from myself.
kakapagod pa rin na obligasyon muna parati at understanding
and forgiveness ang ipamigay upfront. kakapagod na magbigay ng magbigay
hanggang mawalan ng sarili. concept of self = zero. kakapagod na humarap sa mga
tao na maaaring di maintindihan na nakakakain ang tao ng lupa, di man nya
gustuhin. see through the eyes of love ang mahilig mag-utos ng sariling task na
feeling burdened dahil unappreciated and accomplishments nyang tinapos ng iba
para sa kanya. pagbigyan ang on time at araw-araw andyan pero walang ginagawa.
mahiya sa sarili kasi may i'm-giving-my-all kang nakakasalamuha pero in pain ka
for that person kasi bigay pa rin sya ng bigay na parang hindi sya nasasaktan
ninuman. ma-guilt trip sa taong nagsasabing marami pa syang gagawin kaya
salamat sa pag-ako ng task nya pero kwento all day ang trabaho nya, sweetness
and diplomacy included. mamangha sa pasensya ng taong puro sya na nga lang ang
nagtrabaho, sya pa rin ang dehado. magtaka kung panong kaya ng ibang tao na
tumanggi na tumulong at magfb o coc na lang pag tapos na ang dapat nilang gawin
kahit busy pa yung iba. yun kaya yung mas tama para iwas burnout, bakit ang
hirap gawin? ma-amuse sa walang nagawang mali ever sa sariling paningin. nariyan
ang umaktong ang daming naisakripisyo puro luho't sarili naman ang nagpapakasasa.
magtaka kung bakit bothered ka na ibinulsa ng driver yung pamasahe imbes na
pa-ticketan. isipin na masama ang gising ng tsuper kaya di pa man umaalis yung
puv eh banas na sya sa buong universe. makisali sa struggles ng iba na hindi mo
naman alam kahit pangalan lang pero parang more than 3 years na kayong bff kung
magusap. magtanong kung kelan mo na-cultivate ang invisibility ng mga nanghihingi
ng pasahe at namamalimos sa daan. bakit nga ba hindi mo maatim bumili sa mga
naglalako ng makakain habang naipit sa traffic ang bus kahit pa ba maihalimuyak
yung mani na iniaalok? kahit minsan di ka man lang ba bibili sa emaciated na
manong na parating nag-aalok ng fish crackers, c2 at botteled water sa bus
terminal habang prente ang upo mo?
nabubuhay ba ako para rito? saan, sa pang-aalaskang walang
naaasar o naaaliw pero kinatutuyot ko ng laway? para sa pangarap na di ko naman
alam kung ano? para sa bukas na darating na maaaring di ko na abutan? para sa
pagpagal na walang nararating? para sa ngayon na magandang masdan pero di
pwedeng salihan? sa katotohanang maraming mas may hugot at kahit di to
competition, defend pa rin na masalimuot din naman ang nararanasan mo?
life has no meaning.
is there any way for me to know that blowing me to different
directions at the same time was what the wind wanted? not because that's what
it always does does it guarantee that it is what it wants. what if it just
wanted us to be like that, coming at me from all around to support me up in the
air.
life has no meaning. nor are we to find meaning in it. we are
to add to life the meaning we always wanted to find.