6 March 2011
Tapos, sunod-sunod pang nangyari lahat. Dahil ramdam kong walang naniniwala sa akin, nanamlay ako. nanlamig ako kaya naman nadamay ko po ang iba pang mga tao. pasensya na brigada syete, kilala nyo kung sino kayo. Napagod talaga akong magsalita from then on. Tuloy-tuloy lang ako na parang wala lang at nawalan na rin ako ng gana na magpakabuti. Para naman kasing walang kapupuntahan. Naging bastos at walang pakiramdam tuloy ako, bastos pa. salamat sa pag-alaga at pag-intindi sa akin, kahit pahapyaw at sa pag-iisip at pag konsidera ng aking kalagayan. Napagod na kasi akong magpaliwanag sa kahit kanino at siguro, di ko rin sigurado sa sarili ko, ginusto ko na sumama loob nyo sa akin sa mga mali kong ginawa. Ginusto ko na may sumisi sa akin sa mga mali na ginawa ko talaga kasi kahit papano may dahilan talaga kayo para sisihin ako at hindi katulad nung mga nangyari bago yun na nasisi ako sa mga di ko ginawa. Mas magaan sa pakiramdam na sisihin at magsisi sa kasalanang ginawa mo kesa masisi sa mga bagay na di mo naman ginawa, na kahit anong paliwanag mo di ka naman papaniwalaan. Pakiramdam ko rin kasi na mas wala akong karapatan na magpaliwanag sa mga mali kong nagawa sa inyo dahil may kasalanan talaga ako. dun nga sa wala akong kasalanan naubusan na ako ng paliwanag wala pa ring naniwala lalo pa dito. Paumanhin muli. Kung pwede lang pero alam kong hindi, gugustuhin kong magsimula uli tayo na iba na ako, na yung mas maayos na ako ang maihaharap ko sa inyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento