25 July, 2014
Totoo pala na maaaring sabihin na ang ingay ng iba ay lalo
pang lumulunod sa akin sa dagat ng katahimikan. Gustuhin ko mang isulat na “I could hear the wind that
passes through rustling leaves”
dahil ang ganda ng flow at ang nostalgic nung thought, di ko gagawin. Tatahimik
lang ako at uupo sa sulok na pansamantala'y akin habang kinakausap ang sarili
ko sa isip ko, kumbinsido na maririnig din nila (mga tao sa paligid) ako.
Anong pathetic naman ng paandar na ito. Parang hindi ako ang
nagsulat. Kadalasan ang lisensya sa pagsulat ay nagiging lisensya rin para
ma-tap ang pagkataong hindi naman sa'yo - mga katauhang sa isip mo lang mabubuhay.
Dahil dyan pwede ko na ring ihalintulad ang utak sa sinapupunan. Maaari bang ang
mga alaala ng hapdi at pait ay ihalintulad sa dugong itinakdang iluha ng buwanan
ng sinapupunang walang kinakalingang binhi?
Sa pagsulat, walang censorship. Ito ang purong pag-agos ng
kalayaan sa pagpapahayag. Pwede rin ang musika o ang sining ng kulay, anyo at
espasyo.
Salamat ng marami sa kalayaang hatid ng pagbo-blog. Dito, maraming
tao ang nagkakaroon ng alternate lives at nagagawang ma-release, ma-relieve or
temporarily ay isantabi ang pressures ng tunay nilang mga sitwasyon. Maari mong
ma-reflect dito ang mga values na nagawa mong ma-compromise in real life para ma-appease
mo ang sarili mo na pinanindigan mo ang mga paniniwala mo. Tibay! Nagawa ng
paniniwala na gambalain ang katahimikan mo at kumbinsihin kang ang budhi ay
makapangyayari.
Gamitin natin ang halimbawang inyong kagya`t na malalaman sa
mga susunod na pangungusap. Mayroon kang dating kaklase. Ka-eskwela mo sa
elementary ng matagal-tagal rin, mga mula grade 3 o baka grade 4 hanggang sa
elem graduation nung grade 6 o grade 7 kung exclusive yung school mo dahil di
pa k+12 nung panahon mo. May ilang taon na rin kayong di nagkikita o
nagkakausap. The last time you met was nung yung classmate nyo nung elem ay
umuwi sa Pinas from Italy. And before that, the last thing you heard about her
was that nabuntis sya bago kayo gumraduate sa same high school na pinasukan nyo
pareho kaso magkaiba kayo ng section. Tapos bigla kang naka-receive ng fb pm na
nabuntis na naman pala sya sa kanyang 3rd child within less than a year after
nyong huling magkita at nang lagay na yun pre-school pa lang ang panganay nya.
Humihingi sya ng tulong na sana raw ay i-help mo sya dahil may congenital
disease si baby at mataas ang chances of dying. Padala ka naman ng 1000 sa
account ng mama nya dahil sa isip mo, "Minsan lang naman ito." Next
thing you know, invited kang ninang sa binyag nung baby. Nawala sa isip mo ang
invitation at di ka nakadalo. Ikaw pa ay nasisi, "Ikaw kasi eh, di ka
pumunta. Di ka tuloy naging ninang."
Matagal-tagal ka ring walang narinig sa kanya. Aminin mo
ring nakalimutan mo na rin sila. Out of the blue, bigla ka nyang tinext, emergency
daw. Kinukulit ka ng bonggang-bongga. Si baby daw sinugod sa PCMC. Pahiram
naman daw ng 3500, kahit patubuan mo pa raw. Sure raw na makakabayad. Nagbigay
pa ng date at source ng pambayad. Ikaw naman, si tipid tipid sarili,
pinagkatiwala si budget mo kasi di mo pa nga naman kailangan at saka maibabalik
naman daw nya agad within one week. Pumayag ka. Tindi pa nga ng abala mo sa
pagpapadala sa Cebuana kasi kailangan nga pala ng ID at nabitin pa yung perang
pampadala mo. A total of 3 times kang nagpabalik-balik bago mo napadala sa
kanya. Nga pala, humirit pa sya na 4000 na raw. Take note, madaling araw na tapos
kung maka-pressure ng call at text wagas. Two days after, pahiram naman daw ng
1500 lang na pambili ng dugo. Sabi mo, "2000 na lang pera ko eh tapos 2 weeks
after pa ako sasahod." Please lang naman daw oh kailangan lang at naging
vivid sa isip mo kung paanong somehow nakaatang sa iyo ang buhay nung baby.
"Tao yun, pera lang yan." A total of 5760 ang nawala sa yo.
Araw ng bayaran. Ikaw pa ang naunang magtext sa kanya. Hapon
na kasi wala man lang kahit isang text message samantalang init ang cellphone
mo nung araw na nanghihiram sya sa pagflood ng messages at calls. Kinabukasan,
maagang-maaga pa lang tinawagan mo yung globe number nya, andami nung number na
pinangtext sa yo eh. Walang sumasagot. Tinapon na yata yung sim nya. Tinawagan
mo yung smart naman na nalaman mo lang na smart pala nung naputol yung call mo
dahil naubos na yung load mo nakaunli ka pa naman. To your surprise lalaki ang
sumagot at di pa ito ang asawa nya. Friend nya daw ang sabi. Number nya raw yun
at nakitext lang si ex-classmate. Ang bagal pa sumagot ni kuya kaya mas nakakapag-init
pa ng ulo kasi parang nag-uuto-utuan. "Bopols na yun," naisip mo nung
naputol na ang tawag kahit pa malamang nga ganon sya sumagot sa mga stranger na
tumatawag sa phone nya ng 5am. Ang manggagantso ni classmate!
"Don't jump into conclusions," suweto mo sa sarili.
Nagtext din naman sya ng bagong date. Di kalaunan tumawag naman sya nang after
ng deadline na sabi nya dahil lang ikaw ang unang nangulit at, dahil di sya
nagreply sa unang 30 messages mo ay nagsend ka na ng maanghang na SMS dahil di
pa sya nagbabayad. Bagong deadline na uli, kapag daw nabenta na ang lupa nila sa
bestfriend mo nung elementary. Ganun uli, nung bayaran na, tahimik lang hangga't
di mo hinahagupit ng masakit na messages. "Kapag dumating na pension ni
mama." Wala pa rin. More than a month na. Sarili mo namang nanay ang
nangangailangn ng 20000.
Binigay mo ang remaining 5000 sa savings mo. Maintaining
balance lang ang naiwan. Pinuntahan ng nanay mo sa probinsya ang bahay ni
classmate sa probinsya rin. Nagsabi ka kasi na maniningil ka na di ba? 'Nanay mo
nanghihiram for you, nanay ko ang maniningil senyo,' dahilan mo. Sabi ng nanay
mo, pinalayas sya ng nanay nya sa bahay. Baka pinagtatakpan lang and stuff.
Syempre galit ka. Last night kasi nag-Pm ka sa fb sabay attach ng remittance
receipt. Sinabi mo pang di mo sya dinadaya sa sinisingil mo. Kakagalit talaga! Gusto
mong ipangalandakan sa page nya na ang manloloko nya pero subtle pa rin:
Salamat sa pagtuturo sa akin na wag pagkatiwalaan ang mga tulad mo.
Yun dapat ang gagawin mo. Pero di mo gagawin. Simula kasi nung
nakapagtrabaho ka na di ka nakakapag-tithes. Kahit kinukulit ka na ng nanay mo
na mangutang at ayaw mong gawin dahil nakakahiya, di mo gagawin. Tapos di ka pa
pala sasahod dahil di pa ayos yung kontrata mo. Hindi pa rin ba? Naniningil na
ang Diyos, may patubo pang sama ng loob. Lift all of those up gaya ng offering
that He demands. Give what He wants the way He wants it. "Sige na, hihinahon
na ako. My better judgment knows na I would not regret virtally humiliating her
in public kahit mas masahol pa yun sa actual na pag-eeskandalo sabay bawi, 'She's
not worth my anger at I am willing to give up.' Pag sinabing give up, pataas
ang gana nun. I am giving it all up to You, the way You told me not to fret
about my progress, my future and whatever there is beyond death."Aba at
nagdadasal ka na pala. Sa mga sandaling ito ng buhay mo, naaalala mong
kinakausap mo nga pala Sya madalas na parang wala lang.
Di ko po maatim ang
lasa ng lunch ko today pero bigay Nyo to sa akin kaya kakainin ko pero sana
next time yung masarap naman po.
Bakit po ganito itong printer, ayaw makisama, dagdag sa init ng ulo ko kasi namin hindi basta maintindihan ng iba na taga-command lang ako na mag-print yung file at hindi ko na kontrolado ang pag-iinarte ng printer.
Muntik na ako dun Lord ha! Buti tayong dalawa lang ang nakakita ng pagka-tisod ko. Tinatawanan mo na naman ako ano? Ikaw kaya, paano Ka madapa? Mapapagtawanan ba Kita kapag nangyari yun?
Alam ko pong late na naman ako pero thank You po kasi ang daming pogi sa bus na sinasakyan ko.
May tumangay ng personalized wallet ko. Buti po di ko nilagay dun lahat ng sahod ko. Sana magampanan ng nawala kong pinakamamahal na wallet ang katuparan ng Inyong will.
Bakit po ganito itong printer, ayaw makisama, dagdag sa init ng ulo ko kasi namin hindi basta maintindihan ng iba na taga-command lang ako na mag-print yung file at hindi ko na kontrolado ang pag-iinarte ng printer.
Muntik na ako dun Lord ha! Buti tayong dalawa lang ang nakakita ng pagka-tisod ko. Tinatawanan mo na naman ako ano? Ikaw kaya, paano Ka madapa? Mapapagtawanan ba Kita kapag nangyari yun?
Alam ko pong late na naman ako pero thank You po kasi ang daming pogi sa bus na sinasakyan ko.
May tumangay ng personalized wallet ko. Buti po di ko nilagay dun lahat ng sahod ko. Sana magampanan ng nawala kong pinakamamahal na wallet ang katuparan ng Inyong will.
Napuno ng tiwala ang iyong pagkatao. Wala ka nang paki kung
nagoyo ka man nung dati mong kaklase. Ang nakikita mo lang may big picture at
ang nangyari fits that perfectly. Nagkaroon ng purpose. Nabuhay ang paniniwala.
Malay mo ba kung gusto talaga nyang magbayad wala lang pambayad at mahina ang
loob para mangutang ng pambayad utang? Baka magbabayad naman talaga sya. Pero
iba iba number tapos di nagrereply at di truthful mga statements. Huwag umasa
ng ganyan. Ipag-pray na lang kay Lord na maging sagana sya. Pag nagkaganon, nakatulong
ka sa kanya at di na sya manghihiram pa from you ever again.
Biglang nadama mo na maganda ang lahat ng mga bagay at ang
sarap mabuhay dahil mahirap maging buhay at kailangang pagpursigihan ang pagiging
buhay, hindi sya static o pinalalampas lang. Ang buhay ay talagang dapat
minamaster at hindi sapat ang isang araw o ilang buong taon para matutuhan ang
pagiging buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento