6 Enero 2013
Maraming mga bagay ang kayang
baguhin ng pera na parang magic. Yung kulot ang buhok, pwedeng maging tuwid.
Yung unat, pwedeng kulutin. Yung maitim ang balat pwedeng pumuti at yung maputi
pwedeng magpa-tan. Yung balbon, pwede magpatanggal ng buhok. Yung maiksi yung
buhok, pwedeng magpalagay ng extensions. Yung paubos o wala nang buhok pwedeng
maging malago uli yung dating panot o kalbo. Yung walang dibdib, pwede
magpadagdag. Yung malaki yung bilbil, pwede ipa-alis. Yung sakahan, pwedeng
maging pamilihan. Kung dati lakad, pwede na may sariling four wheels. Yung
lalaki pwedeng maging babae.
Numerous
matters can be changed by money as if by magic. The curly haired gets straight
hair and the straight haired can have her locks curled. The dark-skinned can
get fairer and the pale skinned can get a tan. The hirsute can have all
unwanted hair removed. Those with short hair can have extensions affixed. The
bald and balding both can enjoy an abundance of crowning glory strands. The
flat-chested can have their breasts enhanced. Those with pot bellies can have
it sucked away. The farmlands can become mega markets. Those who travel by foot
can explore in their own four wheels. A man can become a woman.
Matindi talaga ang kapangyarihan ng
pera. Kaya nga maganda syang itumbas sa magic kasi kaya nyang tuparin yung mga
bagay na nais mo. Damang-dama ko ang pangangailangan na makamit ang magic na
ito. Kumbaga, matutunang mag-magic para naman yung mga gusto kong matupad, maging
totoo na.
The
power of money has an extending scope. It is apt to be likened to magic because
by it, your desires become real. I cannot deny the need to attain this magic.
In other words, I have to learn how to use magic for my wants to come true.
Pero habang ako’y literal na
malamig, sa pagkakasalat ko sa aking mga palad at talampakan, sabayan pa ng
matinding pananakit ng likod sa may tapat ng balikat (ayon sa anatomy namin may muscle na ang magkabilang duluhan ay nakahugpong sa balikat at sa spine), pinatay
ko ang mga ilaw. Nagdesisyon akong matulog na sa tabi ni Shiela. Para maibsan
ang panlalamig, dumaiti ako kay Shiela. Tulog na tulog na sya. At habang
nakabitin ako sa kanan nyang braso na parang girlfriend na nakapulupot sa nobyo
nito o batang nakalambitin sa braso ng tatay nya para kulitin ito na ibili sya
nang bagong laruan, bigla akong napadasal. Salamat
po Diyos ko at ipinagkaloob nyong matamasa ko ang mga bagay na hindi ko naman
kakayaning bayaran kailanman sapagkat hindi ang mga ito matutumbasan ng salapi.
(Hindi ko alam kung bakit ako napadasal ng ganon. Hindi ko nga yun
pinag-isipan.)
But
while I’m literally cold, as I’ve felt from my palms and the soles of my feet,
simultaneous with an acute back ache by the shoulders (no wonder, a back muscle
has its points of insertion on the shoulder and the spine), I turned the lights
off. I decided to sleep beside Shiela. To warm myself, I moved close to Shiela.
She’s sleeping soundly. While I was hanging by her right arm like a possessive
girlfriend or a kid on the verge of tantrums convincing a dad to buy that new
toy, I suddenly prayed. Lord, thank You
for letting me experience something I would never be able to pay for because it
cannot be measured in terms of monetary value. (I had no idea why I prayed
that way. I didn’t even think of it beforehand.)
Sa puntong ito ay tumagilid ako at
niyakap ang nahihimbing na si Shiela nang mahigpit. Mabuti na lang at kahit
salat ako sa salapi, merong mga bagay na nasa akin na hindi ko kinakailangang
bayaran o bilhin o pagsikapan para matamo. Meron akong mga pag-aari na akin
dahil lang sa ipinagkatiwala ito sa akin ng Diyos. Binigyan ng buhay ang mga
taong ito, ang mga pinakamamahal ko, ang aking pamilya. Alam kong ang buhay
nila ay hindi ko kayang bilhin ng salapi o bayaran upang huwag lumisan sa
mundo. Hinahayaan lang ng Diyos na andyan pa rin ang buhay nila, at makasarili
ako para isipin na kahit papaano ginawa iyon ng Diyos para sa akin. Bukod pa
do’n, binibigyan nila ako ng pagmamahal. Hindi naman ako nanghihingi sa kanila,
hindi ko rin ito pinagtatrabahuhan o nasusuklian man lang ng buo. Pwede naman
silang tumanggi sa pagbibigay sa akin ng pag-ibig. Maaari rin naman nila akong
kalimutan na lang. Pero eto sila, buhay pa at kahit papaano nabubuhay para mahalin
ako.
At that
instance, I shifted to my side and I hugged the slumbering Shiela tight. It’s a
good thing that even if I am short of money, I have something that I do not
have to pay for, buy or work for to attain. I own something simply because I
was entrusted by the Lord with it. He gave life to these people, them that I
love most, my family. I know I can never pay and that no sum of money would
amount to have them alive or keep them so. It is by God’s will that they remain
alive, and I am selfish to consider that He did it partly for my sake. Other
than that, they gave me love. I did not ask or beg them, work or pay for it in
full. They could refuse to love me. It is even possible for them to neglect or
forget me. But here they are, still living and somehow still alive to love me.
Kung gaano katagal na nabuhay ako
na malungkot at walang buong kasiyahan. Bantulot na lasapin ang mga
pinipresenta ng mundo dahil lamang kulang ang aking pera. Dahil kailangan kong
magtipid para mabuhay. Masyado na yata akong nasanay. Hinayaan kong ito ang
mag-hari sa pagpapatakbo ng aking buhay. Napakabuti ng Diyos upang ipagkaloob
sa akin ang mga bagay na hindi matutumbasan ng salapi o pagsisikap, mga bagay
na hindi ko kailangang paghirapan para makamtan. Bakit ba hindi ko nakita yun? Yun
naman ang mas mahalaga, ang pinakamahalaga. Masyado akong nangarag sa kakaisip
kung paanong dapat pagsikapan ang pagiging buhay. Kung paanong nilimitahan ko
ang aking isip na tanging sa magic lamang ng yaman ay mapapasa-akin ang aking
mga inaasam. Bakit ko ba itinutok ang atensyon ko sa mga bagay na wala sa akin,
nalunod tuloy ako sa kakasisid para sa kanila at nalimutan ko na kailangan ko
nga pa lang umahon dahil yun naman ang mas mahalaga. Pakiramdam ko ako yung
nasa kwento ni Leo Tolstoy ukol sa lalaking gahaman na lumakad nang
malayong-malayo buong araw dahil sa naging kasunduan nila nung may-ari ng lupa
na kung hanggang saan sya makarating bago matapos ang araw, yun ang magiging
hangganan ng lupaing ibibigay sa kanya. (Di ako sigurado kung tama pa ang
pagkaka-alala ko kung ibibigay o ipagbibili sa napagkasunduang halaga at hindi
batay sa sukat.) Sa sobrang pagal na rin, bumigay ang katawan nya at bumagsak
sya sa kanyang kamatayan. Dinatnan sya dun ng may-ari ng lupa at ginawan ng
hukay na paglilibingan at ang naging tuldok ay ang pagsasabi ng may-lupa (ang
nakabalat-kayong demonyo) na yun lang naman daw lupa na ginamit nyang libingan
ang lupang kakailanganin nya. Oo, tungkol sya sa pagkagahaman at ang moralidad
na hindi ang yaman ang dapat gawing pamantayan ng pagiging buhay. Matindi ang
naging dating nya sa akin after three or four years ay naaalala ko pa rin sya.
Paanong kinaligtaan ko lang basta ang alam ko na para matutunan lang yun uli?
For
long I have lived sad and unable to produce unhampered happiness for myself. I
am hesitant to savor what the world offers simply because I lack money because
I have to scrimp to keep alive. I must be getting too much used to that. I
allowed it to take-over in managing my life. God is so good (slash that out,
He’s the greatest) to bestow me gifts that would not be matched by money or
hard work; presents I do not have to toil for to receive. I became too haggard
with thinking how hard it is to keep alive. How intensely I have limited my
mind that only money can magic into being my long-held wishes. Why did I
concentrate on what I lack; it drowned me as I dive deep for them, forgetting
that I should (and need to) resurface because that is more important. It made
me feel like I was the character in Leo Tolstoy’s story, the greedy man who
fatigued himself to death by walking farther and farther before the sun sets
without breaks or rests because the land-owner agreed that however far in the
fields he reached, there his land markers would be. The land-owner, by sun down,
found him dead deep in the fields, far from the egdes. It ended with the
land-owner (actually the devil in disguise) remarking “Yes, this is enough.
This would be all the land he’ll ever need,” pertaining to the shallow grave
they buried him in. Yes it is about greed and the morality that life is not
measured by riches a person accumulates. It has a significant impact to me for
after three or four years from when I read it, I could recall the story. (I
must’ve liked it even; I remembered the author’s name.) How could I easily
forget what I knew to learn it over again?
Nasadlak din ako sa pag-iisip na aalis
na ako bukas.(Enero a-singko pa lang nang maisip ko ito. Sa katunayan,
matutulog na dapat ako kaso di ako makatulog at alam kong hindi ako patutulugin
ng mga pangyayari kung hindi ko sila itatala.) Mag-isa na naman ako at kapag
dinatnan ako ng matinding panlalamig, wala akong taong pwedeng akapin at hingan
ng init pampawi ginaw sa pagtulog. Nasa Maynila na naman ako ilang oras mula
ngayon upang magtrabaho. Halos ito ang magiging una kong trabaho dahil sa una
kong trabaho ay hindi naman gano’n ka-sidhi ang kinailangan kong pag-iisip at
naranasang pagbabantay mula sa boss. Iba na ngayon.
I was also caught into thinking
that I will be leaving by tomorrow. I will be by myself once more when the
chills come; I will have no one to embrace and lend me warmth as I sleep. I
will be in Manila hours from now for work. This could be considered as my first
job because my first one was not as rigid in its thinking demands or was it
enough preparation in dealing with superiors. This one is a very different
matter.
Natatakot ako. Sa opisina na ako magtatrabaho.
Naalala kong bigla na kaya ko kinuha ang trabahong ito para may pang-agdong
buhay. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero hindi naman ito ang pinapangarap
kong trabaho. Hindi ko nakikitang ginagawa ko ang trabahong ito hanggang sa
ako’y mangulubot at umukod. Hindi ko inaasam na magkaroon ng ganoong trabaho
kung itutugma ito sa bagay na ninanais ko talagang gawin. Hindi ko pa alam kung
ano ang trabahong nais kong magkaroon, yung talagang pinapangarap ko, yung
ninanais kong gawin hanggang sa hindi na ako kumukurap o mahal na mahal ko
talaga na handa akong mabuhay at mamatay para sa gawaing iyon. Wala pa.
Nababagabag ako.
I am fearful. I will be working in
an office. It brings back to mind that I applied for this mainly to earn a
living. It’s not that I dislike it. It’s just not the work I dream of having. I
cannot see myself by now being in that field until I am wrinkled and hunched.
It is not the work that I want if I compare it to my standard as something I
love and enjoy doing. I still don’t know yet the occupation I really want to be
in, that which I really yearn for, something I would want to do until I can
blink no more, that which I passionately am for I will live and die for it. I
haven’t found out yet. That troubles me.
Marami akong agam-agam sa mga
maaaring mangyari. Paano ba ako makakasiguro na tama ang gagawin ko? na may
kapupuntahan ang mga hakbangin ko ngayon sa kinabukasan? Paano kung
mapapariwara ako dahil dito sa desisyon ko na sa ngayon ay hindi ko pa matantya
kung tama o mali? Nawawala ako. Tapos, (panahon talaga ng Diyos kahit kalian,
dapat handa ka lang makinig) narinig ko sa isip ko, I am the way, the truth and the life. Kesyo produkto ito ng memory
recall sa mga naging daily devotions ko o revelation ito from the Holy Spirit,
hindi ko na uungkatin pa. Kinontra ko pa nga yun kasi nabinbin na yung
devotions ko for mga two weeks na rin siguro sa Esther. Nahihiwagaan kasi ako
sa parteng naging masunurin si Esther sa mga payo nina Hegai at Mordecai kaya
sya naging matagumpay. Yun na naman yung tanong ko, “Paano ko ba masisiguro na
tama yung sinusunod ko?” Tapos sumingit pa si father Abraham. Kasi hindi sya
sumunod sa pamilya nya katulad ni Esther kay Mordecai. Lumayo pa nga sya sa
kanila tapos di rin naman sya nakarating sa Canaan. Pero good in the Lord’s
eyes pareho yung ginawa nila. Basta, ang linaw-linaw nung pagkasabi. Umulit pa
uli, ganito naman ang pagkasabi, Hindi ka
mawawala, iilawan ko ang landas mo. Hindi ka maliligaw, ako na mismo yung
landas na inaapakan mo. Hindi ka malilinlang kasi eto na ako, ang katotohanan,
kasama mo.
I am
filled with doubts for all that could happen. How would I be sure that what I
would be doing is right? that the actions I take now would lead to something in
the future? What if I ruin my life instead by decisions I could not yet know
now as good or bad? I am lost. Then, (anytime is really God’s time only if we
listen) I heard in my mind I am the way,
the truth and the life. Whether it is a product of memory recall from my
daily devotions or a revelation from the Holy Spirit, I could not surmise nor
try to. I even contradicted it because my devotions was stuck with Esther for
two weeks. I was mystified by Esther’s obedience to Hegai and Mordecai that led
to her success. That was my next question, “How will I be sure that I am right
in following this person?” Then came thoughts about Abraham. Unlike Esther to
Mordecai, he didn’t follow his relatives’ principles. He left instead but he
didn’t even get to stay in Canaan. But both were good in God’s eyes. Again, the
enunciation was clear. I heard it again, versed this way, You won’t get lost, I will light your way. You won’t get on the wrong
path, I am the way. You won’t be deceived because I am here; I am the truth and
I am with you.
Gumaan yung mga isipin ko.
Na-excite pa ako kasi pwede na akong maging bata uli. Katulad nung mga panahon
na Junior Casa pa lang ako, pumapasok ako sa school araw-araw na walang
agam-agam kesyo dapat tama yung sagot ko pag-tinanong ni teacher o kung
magugustuhan at tatanggapin ba ako ng classmates ko o kung alam ko ba na may
exam at kung handa ako para don. Wala akong pakialam, basta papasok ako ngayong
araw na ito. Kung anuman ang dumating, sigurado kaya ko yun. Kahit anong
ipagawa, okay lang ako – sayaw kung sayaw at sali sa lahat ng parlor games pag
nagkataong may birthday party ang kaklase ko. Hatakin man ako ng kaklase kong
atat habang nagswing pa ako at mapauwi ng di oras dahil sa malaking bukol sa
noo, basta pag may klase uli, handa akong pumasok. Ganon. Hindi na ako
nangangamba sa mismong bukas dahil hindi na ako makapag-intay. Ang tinatanaw ko
kasi yung ako kapag malaki na ako, yung ako na nabubuhay bawat araw sa katuparan
ng kanyang mga pangarap. Hindi ako ma-stress ng ngayon o ng kahapon kasi
kitang-kita ko na yung ending ko. Yun na yun oh, kayang-kaya ko maging gano’n
pag malaki na ako.
My thoughts took on a lighter
weight. I was even excited because I felt I was permitted to become a child
again. When I was still in Junior Casa, I went to school everyday without
trepidation about how I would answer the teacher’s question or if I will be liked
or accepted by my classmates or if I would fare well if an exam came up. I did
not care; I simply resolved to be in school when there were classes. Whatever
comes, I am sure I can handle it. Whatever demands to be done, I agree with it
– dance when asked to and join in each parlor game if there was a surprise
birthday party for my classmate. Even if my classmate pulled the swing from
under me while I was still in it that I ended up at home earlier because of a
huge bump on my forehead, as long as there still are classes, I was ready for
it. Just like that. I am not worried of tomorrow per se because I can’t wait. I
was already seeing the me I will become were I was older, where daily I lived
the life I was confined to only dream of. I am not stressed by today or
yesterday because I already see how I would end. That’s it there, I am very
capable of being like that when I’m grown.
Bibiruin ko muna yung bata kong
sarili, Kaya siguro di mo pa naaabot yung
pangarap mo (kung anuman yun, di ko pa
alam ngayon), tingnan mo oh, di na ako tumangkad. Di ko ata naabot yung paglaki
na na-imagine mo. Pero kontra biro, ang saya. Pakiramdam ko nagbalik yung
pakiramdam nung bata pa ako na kahit anong mangyari, maaabot ko yung pangarap
ko kaya mangarap lang ako. Kesyo ano pang hadlang ang dumating o maging
sagabal, akin talaga yung tadhanang yun, nag-iintay para lang sa akin. Wala
akong kaagaw o kahati at hindi rin ako dapat magmadali. Dapat ko lang talagang
daanan yung mga balakid na nasa landas ko kahit pa magkasugat-sugat o manlimahid
ako (Pwede naman kasi maligo para malinis uli.) kasi sa akin talaga mapupunta
yung nasa dulo – yun talaga ako.
I will
tease the younger me first, Maybe you
haven’t reached your dreams (which are still unknown to me) because look, you
didn’t grow up as tall as you’ve imagined you would be. Seriously, it’s
fantastic. I felt I was inwardly the child I was – that come what may, I will
attain my dreams so I should dream on. Whatever hurdles come or interferences
arrive, that destiny is mine – waiting only for me. No one could take it from
or share it with me so there’s no hurry. I really should face the challenges on
my path even if I would be injured or dirty (I can always take a bath after to
keep myself clean.) because what’s in the end is really mine – the real me.
Kung paano mang naging matatakutin
ako mula sa walang-makakatinag-sa-akin na batang ako, hindi ngayon ang panahon
para imbestigahan. Hindi ako dapat mabuhay sa takot para lang mapalaki yung
pugwang ng takot bago ko yun palitan ng pananampalataya. Pwede ko namang
palakihin ang guwang na yun dahil sa taglay na paniniwala. Hindi ko na
kailangang magtyagang matakot. Sabi nga nung Sachiko sa buwan (nitong holidays
na-inspire ako sa kwentong ito sa pang-umagang animazing cartoons ng local
television network), sa loob ang bawat bata ay natural na matatag ang
kalooban/malakas ang loob/matapang/hindi mahiyain o matatakutin, masayahin at
handa sa kung anumang dumating. Bale, kinasanayan ko lang pala ang pagiging
matatakutin; hindi talaga ako yun. Kailangan ko lang magpakatotoo. Sigurado
naman ako na may tatanggap at magmamahal sa akin kapag ginawa ko yun - ang
pamilya ko. Isa pa, paulit-ulit na pinapaalala ng Dyos sa akin na andito Sya,
buhay at makapangyayari. Oo, katulad nina Esther at Abraham, walang formula
para makasiguro na tama ang pinaniniwalaan mo, ang sinusunod mo. Pati yun, nasa
mga kamay pa rin Niya. Paano pa ba ako makaka-kontra eh alam ko na yung comfort
na nadama ko galing sa Kanya, may pagka-answered prayer ba. Nung mga nakaraan
kasi madalas kong ipinipilit yun. Sabi ko, Lord,
kahit pa magpumiglas ako, sumubok makawala o magpilit lumayo Sa’yo, huwag mo
akong papakawalan please. Oh di ba, kahit ilang araw at gabi na akong hindi
man lang makaalalang manalangin, to the rescue pa rin Sya?
How I became fearful from the
unflinching child I was is not to be investigated now. I shouldn’t live in fear
only for it to create roomy space which I plan to fill with faith later on. I
could already come up with a lofty room for faith by filling it up with faith
already. There is no reason for me to bear fearfulness. Sachiko in the moon
said (during the past holidays I was inspired by this story for the morning
animazing cartoons of the local television network) that within each child there
is a natural boldness and firmness of heart, cheerfulness and preparedness for
everything. So I only got used to being fearful; that really is not me. I only
need to be true to my nature. I have the assurance that there would be people
who would love me when I do – my family. Other than that, the Lord reminds me
that He is here, alive and sovereign. Yes, like Esther and Abraham, there is no
formula to secure the validity of your principles which you follow. Even that
is in His hands. How could I oppose His presence and power when beyond reason I
am settled that that was an answered prayer? As sheep, I am familiar with my
shepherd’s voice. In the past I have insisted on this. I prayed, Lord, even if I resist, trying to get off
your care or get away from You, don’t let me go please. I testify that He
is faithful. For days I haven’t even remembered that I should pray but He still
rescued me when I needed Him.
Mas may dahilan ako ngayon para
umusad. Kailangan kong magtrabaho para kumita nang pera at nang ma-suportahan
si Shiela. Sasabihin ko pa dapat ang kalagayan ni Shiela pero tanggap ko na na
sya na rin yun. Ang maselan nyang kondisyon na nagdudulot ng pagkukumbulsyon at
pagkahuli ng kanyang pag-iisip (Kilala nyo na siguro si Shiela kung madalas
kayong nagbabasa sa blog na ito.) ay
talaga namang itinutulak ako para kumita ng malaki. Mahal na tustusin ang
pagsisigurong maayos si Shiela. Nariyan na ang gamot, pa-doctor, mga test,
diapers, maghapong pag-air con at ang restriksyon sa paglalakbay. Kailangan
talaga naming ng de-aircon na sasakyan kung gusto naming sama-sama kami sa
paglalakbay. Kahit simpleng pagpunta sa simbahan, madalang naming magawa. Una,
aarkila pa ng traysikel. Tapos, kung papara lang naman ng dyip, itutulak pa ng
nanay ko sa stroller na mas malaki pa si Shiela na lulan sya papuntang
simbahan. Hassle. Ang pinaka-masaklap pag inabot sya ng sumpong sa mainit,
matao o masikip na lugar. Nung minsan nga inabot sya sa Jollibee, hindi ko sya
mai-pwesto ng maayos kasi nga hindi naman equipped ang mga establishments para
sa ganung mga sitwasyon kaya tiis-tiis. Binabayo na nya yung likod ko at hirap
na hirap akong iiwas yung pagumpog ng ulo nya sa balikat ko habang yakap ko
sya. Wala na akong pakialam nun na pasa-pasa ako pagkatapos. Ang hindi ko matanggap
ayun, hirap na hirap na sa kakakisay yung kapatid ko, di ko maayos yung pwesto
nya, tumatama yung paa nya sa bakal na paa nung mesa tapos pinagtitinginan pa kami ng mga tao.
Pinagtitinginan lang. Ube yung binti nya pagkatapos at itinawid ako ng pride ko
para hindi maiyak nang mga panahong iyon. Hindi namin kailangan ng simpatya.
I have more reasons to move
forward. I have to work to earn for Shiela. I would’ve chattered about Shiela’s
conditions but I choose not to, I have accepted her as she is. (If you have
read constantly from my blog you would know what I meant by this.) Her
conditions are pushing me into striving to earn much. Shiela’s state requires
lots of money for prescribed medication, doctor fees, tests, diapers, an
everyday of air con electric bills and traveling restrictions. (There’s no need
to translate in English the rest of the paragraph. I don’t need sympathy.)
Binibigyan na ako ni Lord ng
dahilan para yumaman. Pakiramdam ko sabi Nya, Oy, wala ka nang choice. Dapat maging mayaman ka. I-claim mo na yung
blessing ko na yun para sa iyo. Andiyan si Shiela para huwag mong kalimutan na
nag-iintay yun para sa’yo. Solong-solo mo yun, nilaan ko lang para sa iyo.
Kaya naman bawal maging tamad ever. Alam kong lalasapin din ni Shiela na mas
mabuhay nang katulad nang pangkaraniwang tao, nakakapamasyal kasama ang
pamilya, nakakapaglakad, nakakapagsalita at nakikipaglaro ng takbuhan o kung
anuman sa mga ka-edad nya. Bigla kong naalala. Oo, ito nga pala ang dahilan
kung bakit gusto kong matutong mag-magic. Para ma-magic ko yung mga kailangan
ni Shiela. Yung yaman, darating din sa akin yun pero di ako dapat mamroblema
para dun. Kailangan ko lang magsikap, ang Dyos na ang bahala. Kasi nga, ang
utos naman sa akin, itulak lang yung batong mas malaki sa akin. Di ang pagtulak
ko ang gagalaw sa batong yun, papanoorin ko lang pag sapat na yung tulak ko
kung paanong aalisin yun ng Dyos sa daraanan ko.
The Lord is giving me concrete
reasons to work at being rich. I was sensing He was telling me, You have no choice. You have to get wealthy.
Claim that blessing I have laid for you. I set Shiela there to remind you of
it. That blessing is meant for you, only for you, waiting for you. So I
have decreed against laziness. I don’t have the luxury to accommodate it even
for a second. I could forsee that Shiela would be able to experience life as
others experience it, going out with family, walking, talking and running or
joining whatever game those of her age indulge in. Then it came to me that
those were the same reasons why I wanted to learn how to use magic. I wanted to
use it for Shiela’s needs. That wealth, it will come to me so I don’t have to
worry about it. I only have to be diligent; God would be in charge of
everything else. He commanded me to push on a rock much larger than I am. It is
not my efforts that would move that rock. My purpose is to watch how after I
have pushed with all my might, God would move it out of my way.